hello again,permanent po ba ang pag yellow ng mata pag chronic hepaB ?
Pag magaling na ba ang atay ibig sabihin wala ka ng hepa B?
Hindi mo malalaman sa pkirandam lang, kung magaling na o may damage ang atay mo, ang mga sintomas ay nararamdaman lang kpag malala na ito at maaaring di na kayang gamutin, ang totoo , maraming may hepa B ang walang nararamdang sakit sa atay o sintomas.
Paano malalaman kung acute hepa b ka?
Anti HBc Igm, kpag nag positive result mo sa blood test na ito, acute infection.
Pag chronic carrier ka sira na ba ang atay mo?
Hindi, pero unti unti nasisira ito, ang kagandahan lang nagreregenerate ang ating atay. Kaya nga kpag chronic carrier, dapat may regular monitoring, sa ganun kung magkaroon ng liver damage o fibrosis,magamot ito at di na tumuloy sa liver cirrhosis at mabawasan ang risk ng liver cancer.
Ano po ba ibig sabihin ng SGPT ko ay 60,20
Ang alam ko medyo mataas ang value na yan, maraming namang dahilan ang pagtaas nito, pwedeng sobrang alcohol, iniinom na gamot, gallstone, hepatitis, fatty liver etc. You need further test like ultrasound,fibroscan, hepa B Profile. Better consult hepatologist for correct diagnose and for you to have a baseline of your results.
Hello po, hmm pag magaling na ba ang atay mo ibig ba sabihin wala ka ng hepa B???pano po malalaman kung acute hepa b ka???wla po ba itong mga symtomas or ano???pag chronic carrier ka sira na ba ang atay mo?ano po ba ibi sabihin ng SGPT ko ay 60.20??thanks sa reply.God bless and good day.
Sa maraming kaso ng acute infection, gumagaling sya after 6 months kahit walang gamot na inumin, pero meron din umaabot ng taon pero madalang yun, kalimitan kapag umabot na ng taon most probably chronic carrier ka na. Kaya sinasabi ng doctor magpatest ka uli after 6 months after your first test, Meron din namang test para malaman agad kung acute ka o chronic carrier. konsulta ka sa gastro.