Aa
Aa
A
A
A
Close
Avatar universal

Hepa B

Hello po sa inyo.. tanong ko lang po kung anong test para malaman kung ganu na kalala ang hepa b? 2006 pa po ako may hepa B at  ngayong August 2014 ako ulit nagpa screening po REACTIVE parin po ang hepa ko. pero wala naman po akong nararamdaman na kakaiba sa katawan ko. mula kasi 2006 till now d nako umuiinon ng mga alcoholic drinks kahit soft drinks pa po.. sana po matulungan nyo ako.. at sana may gamot na para sa Hepa B.

God Bless Us!
12 Responses
Sort by: Helpful Oldest Newest
6170891 tn?1412848779
HEPA B CURE - 4 LIFE TRANSFER FACTOR EFFECTIVE? > Hanapin mo ang posts na yan... mag back read ka, marami kang mapupulot na knowledge dyan... dyan ka magtanong... maraming sasagot syo dyan...
Helpful - 0
Avatar universal
talaga kuya? Thanks GOd naman po kung ganun sana nga po makagawa na sila agad para po gumaling nadin tayo.. thank you po ulit kuya.. nabuhayan po ako ng loob kuya.. :)

GOD BLESS US!
Helpful - 0
Avatar universal
Hi jalyn_26,

Eto yung pinaka malapit na at maganda result ng clinical trial.  Katatapos lang nila ng stage 2... hanggang 5 ata bago ilabas commercially yung gamot.

replicor.com

Sa ngayon, maraming gumagaling sa pamamagitan ng pag palakas ng immune system at nag se-seroconversion (nakagawa ang katawan ng sariling antibodies para labanan at mawala ang virus).

HTH, God bless.
Helpful - 0
Avatar universal
Maraming salamat po talaga kuya ha! marami ako natutunan sayo.. pero may idea kapo ba na magkakaroon na ng gamot para sa sakit natin? hehehe! ang kulit kopo noh? thank you po ulit..
Helpful - 0
Avatar universal
Hi jalyn_26,

10 years older sa iyo, dumaan din ako sa stage mo.  Walang alam, nag-aalala at stressed.  Kelangan lang unawain ano ba talaga tong dala natin at pano alagaan.  Mabuti nga at marami tayong natututunan dito sa medhelp at sa google.

Suggestion ko sayo palakasin mo resistensiya mo sa pamamagitan ng pagkain ng tama, excercise at wag ka nang iinom ng alak.

Medyo matagal yung gamit kasi depende sa focus ng mga pharma companies, alam mo naman sila kung saan kikita.

Sa awa ng Diyos may lalabas ding gamot para sa virus natin.  Dasal lang at alaga ng katawan.

God bless.
Helpful - 0
Avatar universal
Ilang Taon kana po Kuya? maraming salamat po sa mga advises mo.. buti kapa alam mo kung ano ang mga dapat at d dapat na inumin at kainin para sa mapalakas ang resistensya mo.. sana nga po magkaroon na talaga ng gamot.. pero bakit parang ang tagal naman po.?. ;( kung meron nga talaga.? pero parang binabalewala kona nga po.. feeling ko wala akong sakit.. at pinapaubaya ko nalang kay GOD.. bast d lang ako umiinom ng mga may alcohol po..

GOD BLESS US po!
Helpful - 0
Avatar universal
Hi jalyn_26,

Eto po yung mga branches nila... https://www.hi-precision.com.ph/branches.do

Lalake ako. Sa ngayon change lifestyle ako, walang inom, bawas mataba/mamantika na pagkain, excercise, jucing, milk thistle at dandalion tea.  Lahat yan para mataas ang resistensya at tulungan at atay ko sa regeneration.

Balak araw magkakaron din yan dahil may mga study na ngayon, bata ka pa sa lifetime natin sa awa ng Diyos magkakaron na ng gamot.

Gaya mo hindi ko rin alam saan ko nakuha.  Hula lang talaga natin kung saan o papaano.

God bless.
Helpful - 0
Avatar universal
d ko nga po alam kung saan ko nakuha ang sakit na yan.. wala naman hepa ang mama ko. at dalaga pako ng nalaman kona may hepa B ako.. :( maraming salamat po..
Helpful - 0
Avatar universal
maraming salamat po.. saan po banda ang  Hi-Precision? babae kapo ba or lalaki? ano po iniinom mo? sana may gamot na para sa HEpa B na sakit..
Helpful - 0
Avatar universal
Hi jalyn_26,

Yung initial test nasa 600 to 800 pesos, yung hbv-dna nasa kulang-kulang 4k.  Suggestion ko sa Hi-Precision, reasonable po ang presyo nila at maayos ang clinic.
Helpful - 0
Avatar universal
hello! po maraming salamat po.. magkano po kaya ang mga test na yan? baka po dko kayanin.. ); wala po kasi ako pera mahirap lang po kasi kami..  
Helpful - 0
Avatar universal
Hi jalyn_26,

Pinakamainam ay maghanap ka ng gastro/hepatologist para may gumabay sa iyo.  Iba-iba kasing test depende sa result ng mga initial test.  Normally pag initial;
- SGPT
- SGOT
- hbsag
- hbeag

kung chronic ka, malamang papa take ka narin ng HBV-DNA para malaman ang viral load mo.

Puwede ka rin ipag fibroscan to check kung wala kang liver damage or kung meron ano na ang extent.

HTH, God bless!
Helpful - 0
Have an Answer?

You are reading content posted in the Hepatitis B - Philippines Community

Didn't find the answer you were looking for?
Ask a question
Popular Resources
A list of national and international resources and hotlines to help connect you to needed health and medical services.
Herpes sores blister, then burst, scab and heal.
Herpes spreads by oral, vaginal and anal sex.
STIs are the most common cause of genital sores.
Condoms are the most effective way to prevent HIV and STDs.
PrEP is used by people with high risk to prevent HIV infection.