(CONTINUATION)
Nung nakausap ko yung crewing ay tinanong niya kung nakapagpamedical na ako at ang sabi ko ay oo pero pending dahil sa hepa B. Maya maya pinatawag ulit ako ng crewing at sinabing "HINDI KA MATATANGGAP DITO DAHIL MAY HEPA B KA. PASENSYA NA WALA TAYONG MAGAGAWA JAN." Nang marinig ko yan ay sobra sobrang kalungkutan ang pumasok sa puso't isipan ko. Hindi man lang ako hinayaang magpaliwanag tungkol sa kondisyon ko. This wednesday sana ako magpapahepa profile pero huli na ang lahat dahil bago pa nila malaman yung tunay na kalagayan ko eh inunahan na nilang ireject ako. Sa ngayon hindi ko malaman ang gagawin ko. Ayokong mabalewala ang pinaghirapan ko dahil ito yung matagal ko nang pangarap. Ang pagiging seaman ay hindi ko tinignan na isang trabaho bagkus para sakin isa itong propesyon. Sana po matulungan ninyo ako. Hindi po ako nawawalan ng pag asa dahil alam ko tutulungan ako, tayong lahat na nakakaranas ng ganito ng poong maykapal. Suggest naman po kayo kung ano ang magandang gawin kon hakbang. Please tulungan niyo ako :(
Naintindihan kita. Yan talaga ang reality, pag may Hepa alangan na ang mga tao lalo pa't mag apply nang trabaho. Ang pag-asa ko nlang nito ay ang pag iwas sa bawal, bili ng food supplement kung mag ka pera, pag-asa't dasal kay God. Sa tutuo lang nag hihintay nalang ako ng himala.
Ang hirap ng sitwasyon nating lahat na may sakit na ganito :(
hello, seaman din po ako at may hepaB na sa ngaun pero bago pa ako sumakay sa first to 6th ship ko, nonreactive pa ako nun.at s ngaun napasakay pa naman s awa ng Diyos. Pero hindi ko alam kung kailan ako tatagal s company ko.o baka last vessel ko na ito.
Mahirap din sa sitwasyon mu lalo pat wala ka pang experience.
Alaaan mu n lng sarili mu, itigil mu n ng tuluyan ang paginum ng alak. Be Zero Alcohol. Pag may gf o asawa ka, make sure nakapagvaccine xa at pa booster mu pa. Otherwise magiging dalawa problema mu.
In addition, may mga antiviral na pangpalower ng viral counts pero wag n wag ka muna iinum nun kasi sobrang mahal at baka lifetime mu na maging supplement un..kung nabubuhay ka naman ng normal hindi mu na muna kailangan un.
kung maari s 2 o 3 na doctor ka maghingi ng advise.
Pde ka sumubok sa Maersk Line, kasi dun as long as less infectious ka tatangapin ka pa.
Halos paripari lng pala talaga pinag daanan natin mga seaman n nag positive sa hepa B. Ako 2011 nong malaman kng mern pla ako nya.. pasakay nadin sana ako nun para akong na bagsakan ng mundo dahil wala nman sana ako mga bisyo non.. masakit tangapin lalo na ako lng dn inasahan sana ng family koh..pero hito ako after 4 yrs susubukang mag apply ulit.. sa merks dn ang distinasyon ko dahil may naki lala ako crew duon positive dn sya oiler pero tuloy2 naman ang sakay nya..kya dont loss hope mga kaibigan habang may buhay may pag asa pah...GOOD LUCK sa ating lahat..
Ako dn mga pre parehas talaga tayu ng mga situation..ang herap mangiyak iyak ko pag na iisip ko
..naka dalawa barko na ako sa company ko..pwo ndi ko alam kung papayagan pa ako sa company ko na pasakayin ulit kasi sa subrang higpit na nila ngayun..nag alala lang ako kasi laki na nang gasto ko ubos na talaga dahi sa mga lab test..ndi ko alam san ako papunta nito..sana mai pag asa pa talaga.lord blessed us and heal us..
Oo nga po parang wala naman tayong nakukuhang tulong sa gov't natin katulad sa TB at HIV. Yung mga may Hepa B sa Pinas discriminated sa work talaga. Gumuho na mga pangarap ko sa buhay kung wla siguro ito nasa military ako o nasa abroad. :(
Hi Gav! Yon nga rin hinahanap ko na response ng govt natin. Wala pa ako nakitang isnag grupo ng katulad natin na naghahangad at ngpapaabot ng boses at hinaing para sa isang patas na treatment. Gumuho rin mundo ko nung nalaman ko n my Hepa B ako habang nagti-training ng caregiver for 6 months. napunta sa wala lang ang mga pangarap. Kaya minabuti ko na ipasaDiyos nalang at isipin na wala lang at normal ako para di madisapoint sa buhay. Bawat apply na work nandon ang kaba na sana di strict sa medical. Sa awa ng Diyos naka-5 trabaho narin ako since nagsimula yong sakit ko 2003. Hope magkaroon ng groups ng mga katulad natin. Please let me know at 09167863366.
Hello mga kababyan. Meron din ako HEPA b. Since 2008 nag nalaman ko may HEPA b ako gumuho mundo ko. Naka pasa sa interview PRA sa cruise ship pero pagdating sa medical bagsak. Lahat yata INA apply an ko puro bagsak dahil sa sakit na eto. Pero c god LNG tlaga nagbibigay strength sa akin. Pine pray ko palage na Hindi ako mawalan nag pag ASA. Pray lang tayo palagi. Sana darating din panahon na Hindi tayo pagdidirahan sa mga tao. Godbless us all.
Paabroad din po ako at may hepa b ako. Kumpleto na po lahat, medical nalang ang kulang. Hanggang ngayon pending pa rin yung result ng hepa profile ko.
Ang nangyari kasi reactive yung result ko sa med clinic
tapos pina hepaprofile nila ako sa doh sa san lazaro.
Gusto ko lang malaman bakit nila ako idinaan sa doh. Kung masama ba ang resulta ng hepa profile ko, iba-ban na ba ako?
Wala kasi makapagexplain ng honest at maayos kung anong rason bakit pa ko kailangan idaan sa doh. Yung resulta ng hepa profile ko doh muna makakatanggap bago ako.
Bakit ganun?
Anong company po kau? Same case po tau. HEPA + dn ako. Need KO po advise nio. God bless us all po..
Sana po may mkasagot. Nasayang ng lahat pinag paguran sa pay aaral. Masakit ma reject every time mlalamn ng employer name gantong sakit tayo.
alam nyo guys ako seaman hanggang ngayon tuloy parin ang pagbabarko..kasi hinde naman nakakahawa ang sakit ko..pero positive parin sa hepa b..eto malapit na ang uwi..ang importante kasi huwag mag-isip ng sobra kasi magiging stress ka..eto advice ko sa inyo mga kabaro kong seaman..disciplina ang importante at try ang malunggay juice kasi yan ang malaking tulong sa akin..since 2006 pa hanggang ngayon..3 times a week ang banat dyan..uminon sa umaga at hapon..gamitin mo ang basong maliit..pag alak..para isang tongga lang..tiisin mo lang kasi iba ang tama sa sikmura..
please i need ur help ,i canot read ur language ineed this medication for my friend
same din saken pa bahrain n sana aq..sana mayaman na ako..kasu lintik na hpb to nakaka depress..
hi gud eve pareho nio din ako since 2009 ng malaman kong may hepa b ako medical exam ko un sa isang production company halos gumuho ang mundo ko ng mareject ako ..kaya nag disisuon akong wag na ituloy ang pag kokolehiyo dahil wala din nmn pupunthan ..nag tyaga ako mag tricycle nlng hangang sa naiisip ko mag security guard awa ng diyos lagi nmn ako fit to work pero positive pa din ako sa hepa b gusto ko sana mag abroad ngaun o mag barko pero nag dadalawang isip ako bka masyang lng uli ..kung meron lang sanang batas na proprotekta sa karapatan nstin edi mas ayos sana
Kabaro wag ka mawlan ng pag asa. Parehas tayo na may hepa b pero ako kakasampa ko lang ng january