Aa
Aa
A
A
A
Close
Avatar universal

I am a seafarer with Hepa B.

Good day po sa inyong lahat. Last nov 2013 na-diagnosed ako na may chronic hepa B. for employment po ang medical na kinuha ko. Dumaan ako sa iba't ibang lab test like liver ultrasound at ang result naman ay normal kaya nabigyan ako ng fit to work. Since then nag start nako magtrabaho as a utility cadet. Last month nagpasuri ako sa doktor sa PGH at pinakuha niya ako sa hi-precision ng mga lab test gaya ng liver ultrasound which is normal nang malaman ko ang result at ito naman po ang result sa sgpt at sgot ko

SGPT/ALT (KINETIC) 28.19 U/L
SGOT/AST (KINETIC) 26.19 U/L

Bumalik po ako sa PGH at tinignan naman ng doktor ang mga result at ang sabi niya normal naman daw lahat. Nagtanong ako kung kailangan kong uminom ng gamot at ang sabi niya ay hindi daw kailangan basta iwas na sa alcoholic drinks at fatty and oily foods. Binigyan niya ako ng medical clearance na fit to oversea work na pwede kong ipakita kung sakaling makahanap nako ng agency. Last week nag undergo ako sa isang pre employment medical para sa isang shipping agency na naapplyan ko. Nadetect dun sa lab test ang hepa B ko kaya pinakita ko sa doktor sa clinic na yun yung mga lab test ko at medical clearance galing sa PGH. Okay naman daw lahat pero ang gusto niya magpahepa profile ako ng bago para pag inactive daw idedeclare niya ako na fit to work. Sa kasamaang palad hindi ako nakapagpa hepa profile dahil sa kawalan ng pera. Tinext ako ng kasama ko sa agency na pinapapasok daw ako sa monday (kahapon) para mag start na. Hindi ko dala ang medical result ko dahil pinaiwan dun sa clinic na pinagmedicalan ko. Kahapon nag start nako sa trabaho as utility cadet (utility cadet means magtatrabaho ka muna sa office ng shipping agency ng ilang buwan o taon bago ka makasampa sa barko)
11 Responses
Sort by: Helpful Oldest Newest
Avatar universal
***@****
Helpful - 0
Avatar universal
try mo kalamunggay juice

This is the procedure of extracting the Malunggay Juice:
1. Prepare a half cup of malunggay leaves, half cup of water, and 2 tablespoon of Honey. Put all the ingredients in to the blender and blend.

https://www.youtube.com/watch?v=8iGM_h0OL-g

http://laughingfilipina.blogspot.com/2012/08/are-you-looking-for-hepatitis-b-remedy.html

Drink it every morning with empty stomach…. And pray…..

change your lifestyle, eat all vegetable and fruits, wala ng fried, oily foods
Helpful - 0
Avatar universal
sir good mrning..mkhang pareho dn tau ng pinag dadaanan ngaun..pro ako nmn,nkasakay ako ng barko..sa passenger,tpos nagun nmn sa container..pro ang prob e, nag pamedical ako last friday,pro un n nga,sabit na..u knw what?kelangan nating dumulog n tlga sa doh..para magtanong tungkol sa case natn.. pwede dng mgkaroon tau ng pagtitipon mga kabaro..or di kaya sa luswelf??sa tinig ng marino..
Helpful - 0
8893901 tn?1404695823
magsaysay ba?
Helpful - 0
Avatar universal
Taong 1997 nag aply ako sa kuwait at hindi natuloy dahil ayaw nila ng + ka sa hbv. kahit pa magpa profile ka at magmakaawa sa clinic basta + is + tapos. I understand dahil talagang kuwait govt ang may batas nun. HIndi ako sumuko at nag-try mag apply sa barko (passenger) at nagtaka ako dahil kahit may + ako nakaalis pa din, isa akong technician. After that nakalipat pa ako ng ibang cruise company at nakasakay sa barkong byaheng europe at maraming napuntahan. Nung last vacation ko (2004) nag try akong mag apply sa isang malaki at mayabang na agency na ang pangalan at nagsisimula sa letter M, Nakapasa agad ako sa interview ng principal (kano) then after that, naging honest ako at sinabi kong 1998 pa ay hbv inactive carrier na ako at nakasakay na sa ibang cruise ships. . To my surprise hindi daw ako pwde dahil + ako at iba kaagad ang treatment sa akin ng mga hambog, wala nang tanung tanung sa hbv profile etc. as in gusto ka na agad palabasin sa office nila. Dapat ang mga ganito ay malaman ng gobyerno natin. Paanong sa ibang agency nakakaalis ka samantalang sa iba ay hindi. Anong klaseng batas yung iba iba ang treatment ng mga agency sa mga workers. Hindi ba dapat may uniformed guidelines na sinusunod? Pls share your views/opinions.
Helpful - 0
Avatar universal
Kelan kaya matitigil sa kapwa natin pilpino yung mag discriminate ng kapwa ng dhil sa may kasamang inggit at / o dahil sa may iba silang kakilala na ipapasok sa agency na yun kaya ganun na lamang pag reject nila sa may hbv. Kelan kaya tayo magkakaron ng tulad ng mentalidad ng mhga kano na imbes alipustain yung kapwa nila eh tinutulungan pa. Naranasan ko na din yan sa ilang mayayabang na agency lalo na pag alam nilang marami silang aplikante. SAAN po ba pwede ireklamo ito?
Helpful - 0
10696169 tn?1414334930
hello.. meron po ako maiishare na inyo na effective para sa my hepa..Pls email me here ***@****
Helpful - 0
8893901 tn?1404695823
Helpful - 0
Avatar universal
Gusto ko po sanang tuluyang mawala o kahit papano bumaba pa ang mga lumalabas sa lab test ko. Ano po kayang medicine o supplement ang maaari kong inumin?
Helpful - 0
Avatar universal
If you live in the Philippines, please be sure to support YWSP's efforts to get a law passed prohibiting screening of Hepatitis B & C during pre-employment whether voluntary or compulsory.
Senator Pia S. Cayetano: It is time to pass a law prohibiting screening of Hepatitis B & C...
www.change.org
Almost ten percent of the Philippine population are infected with hepatitis. That is approximately some 7.3 million are...
Helpful - 0
Avatar universal
(CONTINUATION)

Nung nakausap ko yung crewing ay tinanong niya kung nakapagpamedical na ako at ang sabi ko ay oo pero pending dahil sa hepa B. Maya maya pinatawag ulit ako ng crewing at sinabing "HINDI KA MATATANGGAP DITO DAHIL MAY HEPA B KA. PASENSYA NA WALA TAYONG MAGAGAWA JAN." Nang marinig ko yan ay sobra sobrang kalungkutan ang pumasok sa puso't isipan ko. Hindi man lang ako hinayaang magpaliwanag tungkol sa kondisyon ko. This wednesday sana ako magpapahepa profile pero huli na ang lahat dahil bago pa nila malaman yung tunay na kalagayan ko eh inunahan na nilang ireject ako. Sa ngayon hindi ko malaman ang gagawin ko. Ayokong mabalewala ang pinaghirapan ko dahil ito yung matagal ko nang pangarap. Ang pagiging seaman ay hindi ko tinignan na isang trabaho bagkus para sakin isa itong propesyon. Sana po matulungan ninyo ako. Hindi po ako nawawalan ng pag asa dahil alam ko tutulungan ako, tayong lahat na nakakaranas ng ganito ng poong maykapal. Suggest naman po kayo kung ano ang magandang gawin kon hakbang. Please tulungan niyo ako :(
Helpful - 0
Have an Answer?

You are reading content posted in the Hepatitis B Community

Didn't find the answer you were looking for?
Ask a question
Popular Resources
Herpes sores blister, then burst, scab and heal.
Herpes spreads by oral, vaginal and anal sex.
STIs are the most common cause of genital sores.
Condoms are the most effective way to prevent HIV and STDs.
PrEP is used by people with high risk to prevent HIV infection.
Can I get HIV from surfaces, like toilet seats?